COMELEC may babala hinggil sa online vote buying

COMELEC may babala hinggil sa online vote buying

MAY babala ngayon ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga nagbabalak na magbenta o bumili ng mga boto gamit ang e-wallets ngayong nagsisimula na ang campaign period.

Sa pahayag ng COMELEC, ipagpapalagay na nila agad na sangkot sa online vote buying ang isang e-wallet user kung nagpadala ito ng mahigit limang libong piso kada araw.

Lalong-lalo na kung aabot din sa mahigit 20 tao ang padadalhan ng pera.

Ang sinumang mahuhuli at mapatutunayang ginagawa ito partikular na kung mismong kumakandidato ang namili ng boto ay mahaharap sa diskwalipikasyon at makukulong ng isa hanggang anim na taon.

Nakipag-ugnayan na ngayon ang poll body sa pagitan ng mga malalaking e-wallet app sa bansa hinggil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble