INANUNSYO ng Malakanyang ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng bagong chairman at commissioners ng Commission on Elections (COMELEC).
Pinirmahan na ni PRRD ang appointment papers ng mga bagong opisyal ng COMELEC.
Ito ang kinumpirma ng bagong talagang acting Presidential Spokesperson Secretary Martin Andanar sa isang pulong-balitaan sa Malakanyang.
Ani Andanar, itinalaga ng pangulo si dating National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Chairman Saidamen Pangarungan bilang ad interim COMELEC chairman.
Habang in-appoint naman sina George Garcia at Aimee Neri bilang ad interim commissioners ng COMELEC.
Ang direktiba ni pangulong Duterte sa gitna ng pagtalaga ng bagong mga opisyal ng komisyon ay ang tiyakin na magkaroon ng tapat, mapayapa, may kredibilidad at malayang halalan sa Mayo.
Samantala, tiniyak ng Palasyo na dumaan sa vetting process ang pagpili sa mga uupong opisyal sa COMELEC kung kaya nararapat lamang na respetuhin ang naging pasya ni pangulong Duterte.