Comelec, may paalala sa mga hahabol sa deadline ng filing of COC

Comelec, may paalala sa mga hahabol sa deadline ng filing of COC

MAY paalala ang Comelec sa mga hahabol sa deadline ng filing of Certificate of Candidacy (COC).

Ngayon ang huling araw ng filing ng COC at CONA may paalala ang Comission on Elections sa mga nais kumandidato.

Para sa mga last minute filers na hahabol sa deadline ng filing ay may panuntunan na inihanda ang Comelec.

Ayon sa komisyon hanggang 5:00 ng hapon lamang ang deadline sa pagsusumite ng COC para sa 2022 elections.

Pero kung sa pagsapit ng 5:00 ng hapon ay mayroon pang nasa pila o 3o meters ang layo sa pila ay pwede pa nila itong tanggapin basta’t kumpleto ang COC.

Maituturing naman na hindi kumpleto ang COC kung wala itong documentary stamp, walang pirma, hindi naka notaryo, incomplete ang address, walang larawan, o hindi kumpletong nasulatan ang COC form.

Kung kumpleto ang COC ay agad na silang ililista ng Comelec kahit nasa pila.

Para naman sa latest count ng mga nagsumite ng COC, umabot na sa limamput pito (57) ang nag file sa pagka presidente ng Pilipinas; labing anim sa pagka bise president, 92 sa pagka senador; 194 naman sa partylist.

Ang listahan ng mga kakandidato ay ilalabas ng Comelec sa October 29, maari itong tingnan sa Comelec website at kanilang mga opisina upang masiguro ng mga kakandidato na tama ang spelling ng kanilang mga pangalan sa balota.

Sa buwan ng May hanggang November 8 naman ang mga kandidato na ipatama ang kanilang pangalan kung may mali ito.

Pero pwede paring mabago ang mga pangalan sa listahan dahil may hanggang November 15 para sa substitution ng mga kandidato pero dapat kapartido lamang ang ipapalit.

Ayon sa Comelec, December 15 naman nila target na ilabas ang opisyal na listahan ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Samantala sa darating na Lunes October 11, ay muli namang bubuksan ng Comelec ang voters registration. Ito ay hanggang sa October 30.

SMNI NEWS