MAYNILA, Pilipinas – Naglabas ang Commission on Elections (COMELEC) ng show cause order laban sa 20 kandidato, kabilang na sina Rep. Stella Quimbo, Manila Mayor Honey Lacuna Pangan, at Laguna Rep. Danilo Fernandez, dahil sa mga alegasyon ng vote buying.
Ang nasabing hakbang ay bahagi ng patuloy na kampanya ng COMELEC laban sa mga iregularidad at katiwalian sa halalan.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng COMELEC at nanindigang hindi palalagpasin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa patakaran ng patas at malinis na halalan.