COMELEC, nakakuha ng mahigit P2-B karagdagang pondo para sa BSKE sa Oktubre

COMELEC, nakakuha ng mahigit P2-B karagdagang pondo para sa BSKE sa Oktubre

NAKAKUHA ng karagdagang P2.589-B pondo ang Commission on Elections (COMELEC) para sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Oktubre.

Paliwanag ni COMELEC chairman Atty. George Garcia, ito ay dahil sa tumaas na bilang ng botante ngayong taon matapos ipagpaliban ang BSKE noong Disyembre 2022.

Sa ngayon aniya ay nasa 91 milyon na ang naitalang botante sa buong bansa kasama na ang Sangguniang Kabataan.

Dahil dito, nadagdagan ang bilang ng mga presinto, electoral boards at maging ang mga ballot box.

Sa ngayon ay nasa P11-B na ang kabuuang pondo ng COMELEC para sa 2023 BSKE.

Follow SMNI News on Rumble