ITINUTURING ng Commission on Elections (COMELEC) na matagumpay at mapayapa ang unang araw ng pasahan ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 national at local elections.
Batay sa datos na ipinadala ng COMELEC, 3,259 ang natanggap na COCs ng komisyon sa buong bansa para sa national at local positions.
Sa national post, 32 ang nakapagpasa ng COC sa Manila Hotel kung saan 17 sa mga COCs na ito ay para sa pagka-senador habang 15 naman para sa party-list group.
Sa local elections, 69 ang naghain ng kandidatura para sa pagka-kongresista, 16 naman ay para sa pagka-governor,12 sa pagka-bise gobernador.
129 ang nakapagpasa ng COCs para maging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
325 sa pagka-mayor at 299 COCs naman ang naipasa para sa pagka-vice mayor habang mahigit 2K naman ang COCs sa pagka-miyembro ng Sangguniang Panglungsod/Bayan.