HINIMOK ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na makiisa o magpadala ng mga katanungan para sa idaraos na presidential debate.
Isasagawa ang virtual presidential debate sa Marso 19 na sponsored o pamumunuan mismo ng COMELEC.
Ipinaliwanag naman ni COMELEC Spokesperson at Director James Jimenez na lahat ng mga katanungan na magmumula sa publiko ay sasalain muna.
Sinabi pa ni Jimenez na walang advance questions sa mga kandidato pero bibigyan sila ng mga topics.
Samantala, nauna nang kinumpirma ng spokesman na si Atty. Vic Rodriguez na hindi dadalo sa nasabing presidential debate si dating Senator Ferdinand Marcos Jr.
Dagdag pa nito, ipagpapatuloy ng kampo ni Marcos ang kanilang ginustong paraan na direktang komunikasyon at ‘face to face interaction’ sa publiko.
Matatandaang hindi rin dumalo si BBM sa mga debate at presidential forums ng GMA News, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at CNN Philippines.
BASAHIN: BBM, hindi dadalo sa presidential debate na inorganisa ng COMELEC