COMELEC, nangako na magkakaroon ng mas nakaka-engganyong format para sa ikalawang round ng debate nito

COMELEC, nangako na magkakaroon ng mas nakaka-engganyong format para sa ikalawang round ng debate nito

NANGAKO ang Commission on Elections (COMELEC) na mas magiging nakaka-engganyo ang ikalawang rounds ng presidential debate sa Abril 1-3 ayon kay Commissioner George Garcia.

Sinabi ni Garcia na gumawa sila ng pagbabago sa format ng debate upang gawin itong mas nakaka-engganyo at mas nakatuon sa mga isyu.

Ang unang presidential debate ay isinagawa noong March 19 na tumakbo ng tatlong oras na mayroong isang moderator at walang live-audience na ginanap sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Nakatakdang pag-usapan ng mga poll officials ang iba pang parusa para sa mga kandidato na hindi susulpot sa susunod na round ng presidential at vice presidential debates.

Muling iginiit ni COMELEC Chair Saidamen Pangarungan na walang batas na nagre-require sa mga kandidato na makilahok ngunit maaaring i-require ng poll body ang mga kandidato na magpakita sa debate sa pamamagitan ng resolusyon.

 

COMELEC, hindi aaksyon kung walang pormal na petisyon sa mga isyu ngayong halalan

Mas maganda kung maghain ng pormal na petisyon ang sinumang nakakakita o nakakasaksi ng paglabag sa patakaran hinggil sa pangangampanya.

Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng aksyon ng kanilang tanggapan ang anumang isyu ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia sa panayam ng SMNI News.

Aniya, sa dinami-dami ng mga akusasyon at alegasyon ngayong eleksyon, hindi na nila matiyak kung saan ang totoo at hindi, kung kaya’t maganda kung may pormal na aksyon.

Komento ito ni Garcia sa isyu na napasok na ng NPA ang kampo ni Vice President Leni Robredo.

Tugon nya na rin ito sa sinasabing may mga menor-de-edad na ginagamit si Robredo sa kanyang campaign rallies.

 

Follow SMNI News on Twitter