NASA 41 na bagong party-list organizations ang binigyan ng accreditation ng Commission on Elections (COMELEC).
142 naman na organisasyon ang tinanggihan o ni-reject ng poll body.
Ang mga panibagong accredited na party-list organization ay mas mababa kumpara sa 70 noong 2022 elections.
Sa paliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia, nais lang nila na mai-filter ang mga organisasyon.
Tanging layunin nila ang magkaroon talaga ng representasyon ang marginalized at underrepresented.