COMELEC, patuloy na i-uupgrade ang IT at security upang maiwasan ang data breach –Laudiangco

COMELEC, patuloy na i-uupgrade ang IT at security upang maiwasan ang data breach –Laudiangco

PATULOY na i-uupgrade ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang information technology (IT) capacity at seguridad upang maiwasan ang hacking at data breach.

Ito ay ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco matapos sa inilabas na pahayag ng National Private Commission (NPC) patungkol umano sa paglabag ng COMELEC at Smartmatic sa Data Privacy Act (DPA).

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng COMELEC ang paggamit ng panibagong teknolohiya lalo na ang mga may kinalaman sa halalan.

Samantala, irerekomenda ngayon ng NPC na isailalim pa sa masusing imbestigasyon ang dismissed Smartmatic employee na si Ricardo Argana at iba pang mga indibidwal para sa hindi awtorisadong pag-access o international breach sa ilalim ng section 29 ng DPA. i-uupgrade

Follow SMNI NEWS in Twitter