PINABULAANAN ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia ang lumabas na isyu na kinuha bilang consultant ng office for overseas voting si dating COMELEC Spokesperson James Jimenez.
Ayon kay Garcia, walang katotohanan ang nasabing isyu at sa katunayan lahat ng papel na nagiging consultant sa COMELEC ay dumadaan sa kanila at wala pa siyang inaaprubahan para magdagdag nito.
Giit pa ni Garcia, walang posisyon sa COMELEC si Jimenez at wala ring bakante kung nais niyang bumalik dito.
Nabatid na dumalo ang dating spokesman sa MOA signing ng COMELEC sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung saan nandoon lang ito bilang dating presidente ng rotary international district na kasama sa kaganapan.