COMELEC, pinabulaanan ang lumalaganap na daily election results sa abroad

COMELEC, pinabulaanan ang lumalaganap na daily election results sa abroad

NILINAW ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi totoo ang lumalaganap na daily election results mula sa overseas voting.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia sa panayam ng SMNI News, sa May 9 pa ang totoong bilangan ng mga boto.

Sa bawat election posts naman sa abroad mangyayari ang bilangan ng mga boto bago ipadala sa Pilipinas.

Samantala, nilinaw ni Garcia na ang overseas voting ay mula April 10 hanggang May 9.

Taliwas ito sa sinasabing mula April 10 hanggang April 30 lang ang kanilang botohan.