COMELEC, pinatatanggal ang posters, billboards ng mga kandidato sa public spaces 2 araw bago ang campaign period; Mga hindi susunod, posibleng ma-DQ

COMELEC, pinatatanggal ang posters, billboards ng mga kandidato sa public spaces 2 araw bago ang campaign period; Mga hindi susunod, posibleng ma-DQ

Mga poster ng mga kandidato sa pampublikong lugar sa mga tulay, palengke, at iba pa, kailangan tanggalin 2 araw bago ang pagpasok ng campaign period.

 

MAKIKITA ang mga billboards ng isang senatorial aspirant na nakapaskil sa overpass o footbridge sa bahagi ng Quezon Avenue.

Ang billboard, back to back pang makikita sa footbridge.

Sabi ng Commission on Elections (COMELEC), bawal ito kapag sumapit na ang campaign period sa Pebrero 11 para sa national positions, Marso 28 naman sa local positions.

Sa oras na papasok na ang campaign period, ang mga kandidato, kailangan na nilang sumunod sa mga polisiya o patakaran ng komisyon sa pangangampanya kung ayaw nilang ma-DQ.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, ipinagbabawal nila ang paglalagay ng mga tarpaulin at posters sa mga pampublikong lugar sa mga tulay, palengke, at iba pa.

Sa Enero 12, ay magsisimula na ang election period.

Gun ban, ipatutupad na ng COMELEC sa Enero 12 sa simula ng election period

Ang komisyon, magpapatupad na ng gun ban sa buong bansa para matiyak ang mapayapang halalan kasunod ng election period.

Ang ilan lang na exempted sa gun ban ay ang mga miyembro ng AFP at PNP na nakaduty, mga mahistrado, mga piskal, mga department secretary, mga undersecretary, at mga assistant secretary.

Sa mga hindi exempted pero gusto magkaroon ng exemption, kailangan mag-apply sa COMELEC.

Tuluy-tuloy na ang COMELEC sa pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa eleksiyon.

COMELEC, pinabulaanan ang pag-withdraw ni Rodante Marcoleta ng kandidatura para sa pagkasenador

Isa pa sa mga nasa pinal na balota para sa pagkasenador ay si Sagip Party-list Representative Rodante Marcoleta.

May mga bali-balita na kumakalat umano sa social media na nag-withdraw ito ng kaniyang kandidatura, bagay na pinabulaanan ni Chairman Garcia.

 COMELEC, wala pang pinal na desisyon para sa kanselasyon ng kandidatura ni Marikina Mayor Teodoro

Samantala, hanggang ngayon naman ay wala pang inilalabas na desisyon ang COMELEC en banc hinggil sa motion for reconsideration ni Marikina Mayor Marcy Teodoro para sa kanselasyon ng kaniyang COC sa pagka-kongresista sa Marikina.

Hanggat nakabinbin ang apela nito sa COMELEC, ay mananatili umano ang pangalan nito sa listahan o balota.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble