COMELEC pinawi ang pangamba hinggil sa ‘dagdag-bawas’ scheme ngayong halalan

COMELEC pinawi ang pangamba hinggil sa ‘dagdag-bawas’ scheme ngayong halalan

PINAWI ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia ang mga pangamba tungkol sa tinatawag na ‘dagdag-bawas’ scheme ngayong midterm elections.

Aniya, imposible itong mangyari sa isang automated election.

Iginiit niyang simula 2010, wala pang napatunayan kahit isang presinto na may dagdag-bawas sa mga boto.

Ipinaliwanag ng COMELEC na madaling mapapatunayan kung tama at maayos ang pagpapadala ng mga boto.

Bukod sa pag-iimprenta ng election returns na ipapaskil sa labas ng polling places, maaari ding kumpirmahin kung tugma ang naipadalang boto sa printed results.

Ipapakita rin sa poll watchers at kinatawan ng citizens’ arms ang lahat ng ballot images mula sa bawat presinto, at magsasagawa ng random manual audit.

Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos mabanggit ni Vice President Sara Duterte ang posibilidad ng dayaan sa halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble