COMELEC, posibleng aabot sa 15-30 days ang OFW online voting

COMELEC, posibleng aabot sa 15-30 days ang OFW online voting

POSIBLENG aabot sa labing lima hanggang tatlumpung araw ang internet voting period para sa mga Pilipino abroad.

Ito ang ibinahagi ng Commission on Elections (COMELEC) sakaling maganda ang kalalabasan ng isinagawa nitong internet voting trial run simula noong Setyembre 11 hanggang ngayong araw kasama ang Voatz, isang American Firm.

Bagamat may iilang problema na na-encounter sa naturang trial run, sinabi ni COMELEC Office for Overseas Voting Director Bea Wee-Lozada na maganda naman ang inisyal na resulta nito.

Sakaling mapatutunayang maganda nga ang sistema, maari na itong option ng mga Pilipino sa ibang bansa upang makaboto maliban sa in-person balloting sa mga embahada at mail-in voting.

Umaasa ang COMELEC na maipatutupad ang online voting ng mga Pinoy abroad sa 2025.

 

SMNI NEWS