COMELEC, posibleng sa Huwebes maglalabas ng pinal na desisyon hinggil sa pamamahagi ng fuel subsidy– LTFRB

COMELEC, posibleng sa Huwebes maglalabas ng pinal na desisyon hinggil sa pamamahagi ng fuel subsidy– LTFRB

POSIBLENG sa Huwebes na ilalabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang pinal na desisyon hinggil sa pamamahagi ng fuel subsidy sa mga public transport driver sa gitna ng election spending ban.

Ito ang inihayag ni Maria Kristina Cassion, executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa panayam ng SMNI News.

“Ina-anticipate natin na sinasabi ng COMELEC by Thursday, maglalabas sila ng final decision, kapag nailabas na nila ang final decision it would be favorable to the LTFRB and most of all favorable sa ating mga operators,” ayon kay Cassion.

Tiniyak naman ni Cassion na itutuloy kaagad ng LTFRB ang pamamahagi oras na mag-desisyon na ang COMELEC.

Sa kabila nito, aabot na sa 110,287 mula sa 264,57 beneficiaries ang nabigyan na ng LTFRB ng fuel subsidy.

Kabilang sa mga nakatanggap na ay ang 109,080 jeepney drivers at 10,207 public utility vehicle drivers.

Nangako rin ang LTFRB na tuloy-tuloy ang kanilang pagpo-proseso sa mga ayuda ng mga benepisyaryo na hindi pa nakatanggap kabilang na ang delivery drivers.

Magugunitang pansamantalang inihinto ng LTFRB ang pamamahagi ng fuel subsidy noong March 25 dahil sa election spending ban.

Follow SMNI News on Twitter