PINATAWAN ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) ang COMELEC resolution na nagpapahintulot sa mga appointive official na magpatuloy sa kanilang puwesto kahit pa nakapaghain na sila ng kandidatura para sa nalalapit na halalan sa 2025.
‘Yan ay matapos katigan ng korte ang petisyon ng election lawyer na si Atty. Romy Macalintal para sa pagpapahinto ng naturang resolusyon.
Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, ang mga appointed official, batay sa batas ay hindi na dapat magpatuloy sa posisyon kung nakapaghain ito ng kandidatura.
Ipinag-utos ng SC ang status quo para sa pagpapatupad ng naturang resolusyon.
Maliban pa diyan, pinakokomento ng korte ang COMELEC hinggil sa naturang petisyon sa loob lamang ng 10 araw.
Sa kabila nito, welcome development naman ito para sa komisyon at tatalima sa utos ng korte.
Bilang ng naghain ng COC sa pagka-senador, umabot sa 17; Mga party-list group, nasa 15—COMELEC
Samantala, para sa unang araw, 17 pito ang nakapaghain ng COC para sa pagka-senador habang 15 naman ang para sa party-list group.
May ibang COC naman ang hindi tinanggap ng komisyon.
Sa unang araw ng COC filing sa buong bansa ay generally peaceful ito ayon sa komisyon.