SINIGURO ni Commissioner Marlon Casquejo sa publiko na walang paraan ang mga hacker na ma-manipula ang resulta ng eleksyon sa May 9.
Nagsagawa ang poll body ng demonstrasyon ng automated elections system sa Diamond Hotel sa Pasay kasama ang poll watchdogs at media na nakilahok sa pag-obserba sa proseso.
Ani Casquejo, ang kanilang Vote-Counting-Machines o VCMs ay naka stand-alone sa oras ng botohan kaya’t walang paraan ang kahit na sino na makagamit ng kahit anong gamit para maiba ang resulta sa VCMs.
Matatandaan na sinabi ni Senator Imee Marcos na hinayaan ng isang empleyado ng Smartmatic ang isang grupo ng mga hacker na kopyahin ang election data mula sa isang laptop na inisyu mismo ng kumpanya.
Ngunit iginiit naman ng COMELEC na hindi na-hack ang database nito at sinabi rin ng Smartmatic na hindi rin ibinahagi ng poll body ang election data nito sa kanila.