COMELEC, target ang 700 na mga botante sa bawat presinto

COMELEC, target ang 700 na mga botante sa bawat presinto

ASAHAN ang mas pinabilis na botohan ang mangyayari sa susunod na halalan sa 2022, kung saan target ng Commission on Election (COMELEC) ang 700 na mga botante sa bawat presinto.

Matatandaang sa Joint Congressional Hearing nitong Miyerkules, nabanggit ang pagrenta ng mga karagdagang voters counting machine para maibaba ang ratio ng mga botante sa bawat VCM.

Kasunod nito, ipinalaam ng COMELEC na kulang sa budget kaya’t maaring hindi madadagdagan ang mga nasabing machine para sa darating na halalan.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, sakaling mang hindi mapagbibigyan ay isa sa kanilang nakikitang paraan upang hindi magsiksikan ang mga tao sa bawat presinto ay ang pagbaba ng ratio ng mga botante sa bawat presinto.

Isa sa nakikitang paraan ng COMELEC ay ang pagbaba ng ratio kung saan 700 lamang na mga botante ang tatanggapin sa bawat presinto.

Sinabi pa ni Guanzon, nakahanda na ang ahensya kung saan magkakaroon ng back-up battery ang bawat VCM kaya’t hindi dapat aniya ito ikabahala.

Pagtitiyak naman ng Commissioner na ligtas at walang mangyayaring dayaan sa susunod na halaan.

Kasabay nito, nanawagan naman ang NAMFREL sa COMELEC na huwag gawing chronological ang ayos sa mga pangalan ng mga kandidato sa balota.

Ayon sa NAMFREL, may assigned numbers sa bawat isa na ibibigay bago ang kampanya dahil mas mabilis itong matatandaan ng mga botante kaya mapapabilis din ang proseso ng pagboto.

Pabor naman si Guanzon sa panawagan ng ng nasabing ahensiya kaugnay sa pagbibigay ng assigned number imbes na alphabetical order.

BASAHIN: COMELEC, posibleng aabot sa 15-30 days ang OFW online voting

SMNI NEWS