PLANO ng Commission on Elections (COMELEC) na makapag-imprinta ng 73 milyong balota para sa 2025 midterm elections.
Isasagawa nila ito mula Disyembre 2024 hanggang Marso 2025 gamit ang dalawang HP machines ng Miru Systems.
Sa mahigit 70 milyong balota, dalawang milyon dito ay para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang isang milyon ay magsisilbi bilang test ballots.
Handa namang dagdagan ng COMELEC ang naturang bilang ng balota depende sa magiging resulta ng voter’s registration hanggang Setyembre 30.