TINANGGIHAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang apela ng 21 senatorial aspirants na idineklara nang nuisance candidates para sa 2025 midterm elections.
Mula ito sa 91 senatorial aspirants na naghain ng kanilang mga Motion for Reconsideration.
Kasunod naman ito sa deklarasyon ng COMELEC na 117 sa 183 na naghain ng kandidatura bilang senador para sa eleksiyon sa susunod na taon ang nuisance o hindi seryoso sa kanilang intensyon sa public office.
Hanggang ngayon, nasa 66 pa rin na senatorial aspirants ang aprubado o lehitimo ayon sa poll body.
Sa aspirants naman sa local posts, nagpapatuloy pa ang pagresolba sa kanilang mga Motion for Reconsideration.