TUMANGGI muna si Commission on Elections (COMELEC) chairman Atty. George Garcia na sagutin kung puwede o hindi na maaring tumakbo sa eleksiyon si former Cong. Arnie Teves, Jr.
Matatandaang sinibak na sa Kamara si Teves at ito ay nahaharap sa multiple murder cases.
Maliban dito ay dineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang dating kongresista.
Pero sa paunang pahayag ni Garcia, sinabi nitong ang pagkakatanggal o pagkaka-alis nito bilang kongresista ay hindi nangangahulugan na disqualified na ito sa public office.
Sinabi naman nito na maaring kailanganin ang pagsasagawa ng special election para sa ipapalit kay Teves.
Sinabi naman nitong nakahanda sila sakaling may kautusan mula sa Kamara na magsagawa ng special elections.