COMELEC, umaasang madagdagan ang bilang ng mga botante sa Pangasinan

COMELEC, umaasang madagdagan ang bilang ng mga botante sa Pangasinan

UMAASA ang Commission on Elections (COMELEC) na madagdagan pa ang bilang ng mga botante sa lalawigan ng Pangasinan sa nagpapatuloy na voter’s registration.

Ito’y matapos na matanggal ang karamihan sa mga botante dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Mula naman sa 2,156,000 na registered voters sa probinsiya, halos 70,000 dito ang nawala sa listahan.

Sa kabila nito kampante si COMELEC Pangasinan, Election Supervisor Atty. Marino V. Salas na muling tataas ang bilang ng mga botante dahil sa nagpapatuloy na voter’s registration na magtatagal hanggang buwan ng Oktubre.

Sa ngayon, may mahigit 60,000 na bagong registered voter ang Pangasinan simula noong buwan ng Pebrero at inaasahan na madagdagan pa ng hindi bababa sa 100,000.

Tinitiyak din ni Salas na kanilang pupuntahan ang mga lugar sa Pangasinan na may mga qualified voters’ para sa voter’s education upang maipaliwanag nang mabuti ang kahalagahan ng pagboto.

Pangunahing target ng COMELEC sa voter’s education ang mga first time voter gaya ng mga mag-aaral sa kolehiyo at senior high.

Ayon pa kay Salas, sa buwan ng Nobyembre ay tiyak na malilinis na ang listahan ng mga registered voters matapos ang gagawin nilang election registration board hearing.

Naitala naman sa may pinakamaraming botante sa municipal level ang bayan ng Malasiqui, Bayambang, Sta. Barbara, at Calasiao.

Habang sa city level, ang Dagupan at San Carlos para sa mga tatakbo sa darating na eleksiyon, nilinaw ni Salas ang bagong polisiya kaugnay sa substitution kung saan kaniya naman itong pinaboran.

Ayon pa kay Salas, maliban na lamang kung namatay o na-diskwalipika ang isang kandidato ay hindi na maaari pang magkaroon ng substitution pagkatapos ng Oktubre 8, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble