COMELEC, wala pang pahayag kaugnay sa reklamong vote buying laban sa 3 pulitiko sa Biñan Laguna

COMELEC, wala pang pahayag kaugnay sa reklamong vote buying laban sa 3 pulitiko sa Biñan Laguna

NANANATILING wala pang tugon ang Commission on Elections (COMELEC) patungkol sa petisyon laban sa ilang lokal na opisyal ng Biñan City, Laguna kaugnay sa alegasyon na malawakang vote-buying noong nakalipas na 2022 election.

Partikular sa inakusahan ng vote buying ay sina Biñan City Representative Marlyn Alonte-Naguiat; Mayor Walfredo Dimaguila Jr. at Vice Mayor Angelo Alonte.

Nakasaad sa reklamong inihain sa COMELEC ng mga complainant na sina Michael Gerard Thomas Ponce Yatco, Audrey Amoroso at Christopher Santos na mayroon silang mahigit sa 30 testigo at mga ebidensya tulad ng mga litrato at videos para patunayan ang bilihan ng boto sa iba’t ibang mga barangay sa Biñan City, Laguna.

Partikular sa kanilang hiling sa COMELEC na ma-disqualify ang mga respondents na namahagi umano ng mga claim stubs, sample ballots at mga pera sa loob at paligid ng lugar ng botohan.

Follow SMNI NEWS in Twitter