Commercial rent sa Dubai at Abu Dhabi, bumalik na sa pre-COVID level

Commercial rent sa Dubai at Abu Dhabi, bumalik na sa pre-COVID level

 

BUMALIK na sa pre-COVID level ang halaga ng renta sa mga opisina sa Dubai at Abu Dhabi.

Ayon sa global real estate consultancy na Knight Frank’s analysis, lima sa dalawamput pitong lokasyon sa Dubai ang bumalik na sa prepandemic rate ang halaga ng office rent.

Sa Abu Dhabi naman, ang mga natatanging gusali ay nagpapatuloy sa normal na halaga nito kahit na may pandemya.

Ayon sa ulat, ang average na renta sa Corniche Area ay umangat sa 7.2 porsiyento taon-taon patungo sa isang libo at animnaraang dirhams bawat metro kwadrado.

Sa Dubai, ang nangunguna sa pang-angat ng presyo ay ang Business Bay kung saan ang average na renta sa unang tatlong buwan ng 2022 ay umangat ng tatlumput tatlong porsiyento.

Matatandaan na ang UAE ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa Arab world at halos naka-recover na mula sa impact ng pandemya.

Samantala, mas lumawak din ang non-oil economy ng UAE sa higit pitong porsyento sa ikaapat na kwarter ng 2021.

Follow SMNI NEWS in Twitter