NAG-RESIGN si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Socorro Inting bilang chairperson ng Gun Ban Committee.
Ito’y matapos pinahintulutan ng En Banc si COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan na magkaroon ng kapangyarihang magpatupad ng gun ban exemption o pagsasailalim ng isang lugar sa kontrol ng COMELEC.
Ani Inting, wala nang silbi ang kanilang komite kung may kapangyarihan naman pala ang kanilang chairman na magbigay ng gun ban exemptions.
Nauna nang inihayag ni Pangarungan na mahina ang pag-apruba ng gun ban applications ng regional office at ninanais nitong pabilisin.