SUPORTADO ng Department of National Defense (DND) ang commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagpapatupad ng Bangsamoro Peace Agreement.
Ito ang tiniyak ni Defense OIC Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa ika-9 na anibersaryo ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.
Ayon kay Galvez, mananatili ang DND at Armed Forces of the Philippine (AFP) na “vanguards of peace and security” sa Bangsamoro.
Patuloy aniya nilang pangangalagaan at itataguyod ang usapang pangkapayapaan.
Siniguro din ni Galvez na mananaig ang kapayapaan at pag-unlad at hindi hahayaan ang mga gusto maghasik ng karahasan sa Bangsamoro.