MATAGUMPAY na nakumpleto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Armed Forces ang Community Health Care Facility sa Brgy. Suklayin, Baler, Aurora.
Ito ay bilang Engineering Civic Action Project (ENCAP) ng Balikatan Exercise.
Itinayo ang pasilidad sa loob ng 25-araw ng mga tauhan ng 355th Aviation Engineer Wing ng Philippine Air Force, at 9th Engineer Support Battalion ng US Marines.
Ayon kay Lieutenant Colonel Marcos Gillet, Commanding Officer ng 9th Engineer Support Batallion, simbolo ng pagkakaibigan at dekadang pagtutulungan ng Pilipinas at Estados Unidos ang proyekto.
Maliban sa Baler, Aurora, kabilang din sa development projects ng Balikatan ang health center sa Sarrat, Ilocos Norte, at multi-purpose hall sa Antique.