IBINAHAGI ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang naging pag-uusap nila ni Pastor Apollo C. Quiboloy na compassion pa rin ang pairalin, kahit na patuloy ang pag-atake sa butihing pastor.
“I will speak based on the instructions of Pastor [Quiboloy] sa akin- compassion pa rin. Maski na inatake siya ni Sen. Hontiveros ngayon, we will not react with the same intensity of hate. Sabi kasi niya, masyado nang divided ang ating bansa. So, we should be the paragon of compassion.”
“Pero, compassion with justice. Kaya nga, wala daw siyang rancor in his heart but justice should prevail. There should be reckoning also. Kasi nga ‘yung Panginoon, may nagre-reckon nga, siya rin.”
“Kailangan din ‘yung tao maka-learn din ng lesson. Kasi kung hindi mo patawan ng kaso, hindi maka-learn,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.