Compensation package sa migrant workers na tumulong sa paghahanda sa World Cup 2022, isinusulong

Compensation package sa migrant workers na tumulong sa paghahanda sa World Cup 2022, isinusulong

UMAPELA ang Amnesty International kay FIFA President Giannie Infantino na bigyan ng compensation package ang migrant workers na gumawa ng stadiums para sa World Cup 2022.

Ayon sa grupo, maraming migrant workers ang nakararanas ng exploitation at malawakang labor abuses kung kaya’t isinusulong nila na mabigyan nito ng sapat na compensation package.

Madalas na mga migrant worker na nakararanas ng pang-aabuso ay mula sa South Asia, Southeast Asia at Africa.

Suportado naman ang apelang ito ng World Cup sponsors na Adidas, Coca-Cola at McDonald’s.

Sa ngayon ay wala pa ring sagot ang FIFA President hinggil sa panawagan.

Follow SMNI NEWS in Twitter