HINDI na mapipigilan ang indie folk-pop band ng Pinas na Ben&Ben dahil matapos maudlot ang ilang stops ng kanilang concert tour ay ready na muli silang mag-perform on stage.
May 24 ay nag-kickoff ang kanilang “The Traveller Across Dimensions,” album tour, pero hindi natuloy ang susunod na stops dahil sa natamong wrist injury ng drummer na si Jam Villanueva.
Sa kanilang press conference noong Lunes, June 20 ay opisyal na inanunsyo ng OPM band ang kanilang pagbabalik, at nakatakdang mag-perform sa University of St. La Salle, Bacolod City, ngayong August 16; August 23 sa John Hay Convention Center sa Baguio City; habang August 30 naman sa Holy Cross of Davao college gym sa Davao City.
Hindi mawawala sa kanilang lineup ang friendship song nila na “Saranggola,” at ang ibang hits na minahal at nagustuhan ng maraming fans.
Umabot na rin ang kanilang kasikatan sa ibang bansa at on the way sila to Lincoln, California ngayong July 12, 2025 para sa kanilang one-night-only show.