NAKUMPLETO na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang konkretong kalsada sa Dingle, Iloilo.
Ito ay may habang 1.23 kilometro na nagmumula sa Brgy. Agsalan hanggang Brgy. Potolan.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P6.9 milyon sa ilalim ng 2022 General Appropriations Acts.
Sinabi ni DPWH Region 6 Director Nerie D. Bueno na makatutulong ang nasabing kalsada sa mga magsasaka na mas mabilis na maihatid ang kabilang produkto sa mga pamilihan.