NANANATILING kasama sa Senate version ng 2024 proposed budget ang hinihiling na confidential fund ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, nasa P4-B ang hinihinging confidential fund ng Office of President (OP).
Kamakailan ay kinukuwestiyon ng mga kritiko ang confi funds ng ilang ahensiya ng pamahalaan na wala naman umanong kinalaman sa seguridad.
Dahil nga dito ay binawi ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ang hiling na confi funds upang maiwasan na rin ang gulo.