Cong. Arnie Teves, dumipensa sa isyu kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo

Cong. Arnie Teves, dumipensa sa isyu kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo

BINASAG na ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves ang kanyang katahimikan at nagsalita na kaugnay sa nangyaring pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, Sabado ng umaga.

Ang pamilya Teves at Degamo ay magkaribal sa politika sa Negros Oriental.

Ani Teves, wala itong motibo para gawin ang krimen dahil hindi ito pakikinabangan ng kanilang pamilya.

Saad niya, hahalili ang sitting Vice-Governor sa pwesto ng yumaong gobernador kaya wala rin itong halaga sa kanilang panig.

Saad nito, ‘kung may balak man’ at ‘kakayahan’ man siya na gawin ang krimen, eh ‘di sana ginawa niya ito bago pa mag-eleksyon.’

Katunayan, matagal nang ikinatatakot ni Teves ang sinapit ni Degamo dahil atomatik siya agad ang pagbibintangan.

“Huwag naman niyo sana akong gawin na isang instrumento sa inyong pagsikat,” saad ni Teves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter