NANINIWALA si dating Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa mapatatalsik sa Kamara si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves.
Ang nakita lang ng abogado, maaaring mapahaba ang suspensiyon ni Teves.
Masakit aniya ang suspensiyon dahil hindi nito magagampanan ang kaniyang tungkulin sa 3rd District.
Sinabi naman ni Atty. Roque na hanggang hindi pa mapatutunayan na si Teves ang mastermind sa Degamo murder, hindi rin mababalewala ang mandato nito bilang kongresista.