HINDI pa itinuturing ng pulisya na person of interest sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo si Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves.
Ito ang nilinaw ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Redrico Maranan matapos umalma si Teves sa pagkakadawit sa kanyang pangalan sa pagpatay sa gobernador.
Ayon kay Maranan, kasalukuyang nasa collection of evidences ang pulisya upang matukoy ang persons of interest at ang kanilang motibo sa krimen.
Nakapag-execute na aniya ng extrajudicial confession ang 2 sa 4 na naaresto ng suspek at sakaling pumasa ay maaaring maging testigo at makapasok sa witness protection program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).
Nabatid na mahigpit na magkatunggali sa politika ang pamilya Degamo at Teves lalo na nang pinagtibay ang pagkapanalo ni Roel Degamo bilang gobernador.