Cong. Arnie Teves, nais makausap si PBBM

Cong. Arnie Teves, nais makausap si PBBM

NAIS ngayon ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves na makausap si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para personal na maipaliwanag ang kaniyang panig.

Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa kaniyang bagong pahayag sa kaniyang Facebook page, saad ni Teves na nais nitong tawagan si Pangulong Marcos at iminungkahi kung pwede itong tumawag kay Special Assistant to the President Anton Lagdameo.

“Again, nirerespeto ko kayo ng sobra (Mr. President). Sana lang mapagbigyan niyo ako na makapag-usap tayo para ma-explain ko naman ang aking side,” ani Teves.

Nauna nang hinimok ngayong araw ni Pangulong Marcos si Congressman Teves na umuwi ng bansa kasabay ng pagtiyak sa kaniyang seguridad.

Saad naman dito ni Teves na mahihirapan siyang humindi sa panawagan ng Pangulo dahil mas may awtoridad itong magbigay ng seguridad sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter