HINILING ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez ang Department of Transportation (DOTr) na hikayatin ang mga airline company para magbukas ng ruta ng Manila-Ormoc.
Nakipagkita na rin si Cong. Gomez kay Transportation Jaime Bautista para buksan ang take-off at landing slots sa Ormoc Airport.
Dagdag pa ni Gomez, nag-commit na ang kalihim na susulat sa mga airline company bilang tugon sa kanilang request.
Ani Gomez, kung hindi magbubukas ng slots ang DOTr, hindi sila makaiimbita ng mga commercial flights sa Ormoc.
Saad pa ni Gomez, makabebenipisyo rin ito sa mga kalapit na bayan sa Northwest Leyte at sa Biliran Province.