LUMABAS na ang report at marami nang nakakuha ng kopya, kabilang ang media. Ayon kay Cong. Isidro Ungab, kitang-kita na may mga blanko talaga sa dokumento, kaya’t dapat itong sagutin ng mga responsable.
“Kasi Bicameral Conference report nga so, kung ano ‘yung natanggap ng mga senador, ‘yun rin ‘yung natanggap ng mga congressman. Imposible na iba ang natanggap ko, iba ‘yung natanggap ng mga senador. Pareho lang ang natanggap naming na mayroon talagang mga blanko.
Lumabas na talaga ang report at marami nang nakakuha ng kopya, kahit mga taga media. At nakita nga na may mga blanko talaga. So ‘yun dapat ang sagutin nila,” pahayag ni Rep. Isidro Ungab, 3rd District, Davao City.