Cong. Sandro Marcos, isusulong ang pagtataas sa pondo ng NTF-ELCAC

Cong. Sandro Marcos, isusulong ang pagtataas sa pondo ng NTF-ELCAC

ISUSULONG ni Presidential Son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na magkaroon ng mataas na pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang nasabing government task force ay binuo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dala ang good governance para labanan ang CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Congressman Marcos, irerekomenda niya na magkaroon ng budget increase ang task force sa susunod na taon.

“Di ko alam kung saan po galing ung balita na di itutuloy ‘yung NTF-ELCAC, tuloy naman po and in fact I will be recommending it’s budget be increased for the coming year,” ayon sa Tweet ni Sandro.

Pinawi rin ni Marcos ang pangamba ng taumbayan na baka hindi ipagpatuloy ng BBM administration ang NTF-ELCAC.

Giit niya, hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga balita na hindi ipagpapatuloy ang task force.

Sinagot naman ni Marcos ang tweet ng isang netizen para masustain ang programa ng task force.

Ani Marcos, hindi lamang sustained kundi ‘bolstered/reinforced ang mangyayari sa task force.

Naunang tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos noong panahon ng kampanya na ipagpapatuloy niya ang gains ng NTF-ELCAC oras na maging Pangulo.

Ginawa ni PBBM ang komento sa kasagsagan noon ng pagbabawas sa pondo ng task-force.

Maraming umaasa sa continuity ng NTF-ELCAC kabilang na dito ang Barangay Development Program para sa livelihood, pailaw, patubig, road construction, at classroom ng mga barangay sa mga liblib na lugar.

Follow SMNI News on Twitter