Cong. Sandro Marcos, nagpasalamat matapos manguna sa survey

Cong. Sandro Marcos, nagpasalamat matapos manguna sa survey

WELCOME development para kay Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang pangunguna nito sa survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. bilang top performing representatives ng 19th Congress.

Batay sa survey na isinagawa nitong February 28-March 8, 2023 – number 1 si Marcos sa lahat ng mga kongresista na may rating na 95.8%.

Sa kaniyang official Facebook page, labis na nagpasalamat ang batang Marcos sa pangunguna sa survey at iginiit na patuloy itong magsisilbi para sa mga taga-Ilocos Norte at sa buong bansa.

Rest assured we will keep on working for the betterment of Ilocos Norte and concomitantly the betterment of our country,’ saad ng batang Marcos.

First time congressman si Rep. Sandro, pero 82 panukalang batas at House resolutions na ang naihain nito sa Kamara at co-author ng 52 panukalang batas.

Kabilang sa mga panukala nito ay ang SIM Registration Act, na pinakaunang isinabatas ni Pangulong Ferdinans R. Marcos, Jr.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter