Cong. Teves, inosente hangga’t mapatutunayan—Atty. Roque; Mga suspek, mahirap sabihing nagsisinungaling

Cong. Teves, inosente hangga’t mapatutunayan—Atty. Roque; Mga suspek, mahirap sabihing nagsisinungaling

INOSENTE hangga’t mapatutunayan, ayon kay Atty. Harry Roque ngayong lumalabas at itinuturo si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves bilang umano’y ‘mastermind’ sa pagbaril-patay kay Gov. Roel Degamo.

Binigyang-diin ni Roque na medyo mahirap sabihin na nagsinungaling ang mga mismong bumaril kay Degamo.

Sinabi na ng isa sa mga suspek na hindi si Gov. Degamo ang pagkakakilala nila sa kanilang target dahil isa aniyang ‘druglord’ ang kanilang babarilin.

Ayon kay Atty. Roque, hindi nga naman imposibleng hindi kilala ng mga bumaril si Gov. Degamo lalo na’t hindi taga Negros Oriental ang mga ito.

Sa kabila nito, naniniwala si Roque na gugulong nang maayos ang imbestigasyon ng Degamo slay case dahil ang National Bureau of Investigation ang nangunguna na rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter