Congestion rate sa mga bilangguan na pinangangasiwaan ng BJMP, bumaba na

Congestion rate sa mga bilangguan na pinangangasiwaan ng BJMP, bumaba na

BUMABA na ang congestion rate sa mga bilangguan sa buong bansa na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BJMP spokesperson Colonel Xavier Solda na bumaba na sa 390% ang congestion rate mula sa 612% noong 2017.

Ayon kay Solda, mayroon silang 477 jail facilities sa buong bansa at 334 na lamang dito ang congested dahil sa kanilang facility development programs.

Ibig sibihin, 143 na lamang aniya ang hindi na congested.

Follow SMNI NEWS in Twitter