Congestion rate sa mga jail facility, bumaba sa mahigit 300%—BJMP

Congestion rate sa mga jail facility, bumaba sa mahigit 300%—BJMP

PATULOY ang ginagawang pakikipag-coordinate ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga korte upang mabawasan ang siksikan ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa mga jail facility ay layon nito na mas mapabilis ang paglaya ng mga bilanggo na solusyon sa matagal nang problema na congestion.

Puspusan ngayon ang ginagawang mga hakbang at programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  upang mabigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga persons PDL at mapabuti pa ang kalagayan ng mga ito sa loob ng piitan.

Noong nakaraang administrasyon Duterte nakita at naramdaman ng mga Pilipino kung papaano nito binigyan ng solusyon ang bawat problema na naranasan ng bansa at kabilang na dito ang problema sa ilegal na droga.

Dito nakita ng mga Pilipino kung papaano trinato ng nagdaang administrasyon ang mga kriminal at ipinakita kung anong klaseng liderato meron ang kamay na bakal ng Duterte administration.

“My God, I hate drugs,” saad ni Rodrigo R. Duterte, Former President.

At dahil sa puspusan ang operasyon laban sa ilegal na droga dumami ang mga PDL sa mga piitan lalo na sa mga jail facility ng BJMP.

Sa datos ng BJMP, nasa 70% ng mga PDL sa kanilang pasilidad ay may kasong paglabag sa RA 9165 (Drug Related Case).

Dahil dito ay gumawa ang BJMP ng mga hakbang at programa na makatutulong upang mabawasan ang siksikan ng mga pdl’s sa mga jail facility

Ayon kay BJMP spokesperson Jail chief Insp. Jayrex Joseph Bustinera, mas pinarami pa nila ang ipinapatayong ng mga jail facility sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.

Mahigpit din aniyang nakikipag-ugnayan sa korte pang BJMP ara maagang mapalaya ang mga qualified PDL.

Agad din nilang pinoproseso ang pagbibigay ng good conduct time allowance sa mga kwalipikadong PDL para mas mapababa pa ang sintensya nito at mapabilis din ang paglaya.

“Pagpapa-construct ng mga jail facilities in colaboration sa ating local government unit (LGU) para magdonate ng lupa para makapagpatayo ng pasilidad para lumawak at lumuwag ang kondisyon ng mga kulungan. Pangalawa po yung pakikipag-ugnayan sa korte para maagang mapalaya ang mga qualified PDLs natin matulungan mapabilis ang kaso. Pangatlo po ang pagbibigay ng good conduct time allowance sa mga kwalipikado para mas mapababa ang sintensya at makalaya na rin po sila so isa po yun sa mga major activities o mga hakbang na ginagawa ng bjmp para ma decongest ang ating mga piitan,” saad ni Jail chief Insp. Bustinera.

Dahil sa ganitong inisyatibo ng BJMP mula sa 600% na congestion rate sa mga jail facility noong nakaraang taong 2018 ay bumaba ito sa 367% na congestion rate.

“Yung latest data po natin sa congestion rate is around 367% nalang po galing po yan sa 600% last 2018,” dagdag ni Bustinera.

Sa huli siniguro ng BJMP na naibibigay sa mga PDL ang angkop na pagtrato at tinitignan ang kapakanan at karapatan ng mga PDL’s bilang isang tao habang pinagsisilbihan ng mga ito ang kanilang sentensya sa loob ng piitan.

Maliban sa pagpapabuti ng mga pasilidad sa mga piitan sinisiguro rin ng BJMP ang kalusugan ng mga PDL lalo pa’t uso ngayon ang mga skin diseases ngayong tag-init.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter