WALANG inaasahan ang Philippine Ports Authority (PPA) na congestion sa mga pantalan sa gitna ng holiday season.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, maganda ang kanilang naging preparasyon at mahigpit din ang kanilang kooperasyon sa pagitan ng mga shipping line at ng gobyerno.
Sa ngayon ay inaasahan ng PPA ang pagdagsa ng 4.5 milyong pasahero mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 3, 2025.
Kaugnay rito, ipinaalala ng PPA na maging maingat sa mga scammer lalong-lalo na ang nag-aalok ng travel insurance.