Congressional aspirant sa 1st district ng Zambales, ipinangako ang maraming trabaho, libreng pag-aaral

Congressional aspirant sa 1st district ng Zambales, ipinangako ang maraming trabaho, libreng pag-aaral

IPINANGAKO ng isang Congressional aspirant sa 1st district ng Zambales ang maraming trabaho at libreng pag-aaral.

Walang planong ipukol ng isang congressional aspirant sa kasalukuyan o nagdaang administrasyon ang problema ngayon sa Olongapo.

Ayon kay Zambales first district congressional candidate Mitos Magsaysay sa panayam ng SMNI news, ito ang dahilan kung bakit tututukan nya sakaling mailuklok sa pwesto na mabigyang solusyon ang problema.

Kaugnay dito, inihayag ni Magsaysay ang iilang plano nya para sa unang distrito ng Zambales at isa na dito ang gumawa ng maraming trabaho para sa mga nasasakupan.

Gaya rin ng kaalyado nitong si Olongapo Mayoral Candidate Arnold Vegafria, magtatayo rin ito ng community hospital sa bawat bayan na sakop ng first district.

Gagawin rin nitong libre ang state college para sa lahat na gustong mag-aral.

Lahat rin aniyang mga nanay at tatay ay tuturuan ng libreng skills training.

Samantala, sa ngayon, bilang solusyon sa problema ng tubig sa Olongapo, nagpapadala si Magsaysay ng libreng utility water at filtered mineral water sa lahat ng barangay.

Nagbukas din ito ng programang libreng gamot at maintenance medicine para sa matatanda at bata.

Kasama din ang libreng cataract operation para sa mga senior citizen at libreng dental services.

SMNI NEWS