Connectivity at kawalan ng ID, mga isyung kinahaharap sa SIM card registration sa remote areas –DICT

Connectivity at kawalan ng ID, mga isyung kinahaharap sa SIM card registration sa remote areas –DICT

KABILANG sa mga issue na kinahaharap ngayon sa SIM card registration, ay ang connectivity at kawalan ng valid identification card ng mga indibidwal, lalo na ang mga nakatira sa far-flung areas.

Ito’y apat na linggo pagkatapos magsimula ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) card.

Dahil dito, umani ito ng malaking katanungan sa mga mamamayan kung papaano marerehistro at maba-validate ang kanilang identity.

Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang naturang usapin sa kanilang team para matugunan kung papaano maba-validate ang kanilang pagkakakilanlan.

Samantala, sisimulan na ng DICT ang assisted SIM registration sa remote areas ngayong araw, Enero 25, kasama ang National Telecommunications Commission (NTC).

Sa ngayon, inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kinauukulang local government units (LGUs) na tiyakin ang tagumpay ng assisted registration sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs). SIM card registration

Follow SMNI NEWS in Twitter