NAARESTO ang isang construction worker na kinilalang si Joselito Abadies y Rilon, 43-anyos sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng QCPD SDEU Galas Station 11.
Nakuha sa suspek ang 3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.
Naaresto ang suspek alas-8:35 kagabi ng Hulyo 9, 2024 sa 13th St. Brgy. Damayang Lagi, Quezon City.
Nahaharap ito sa paglabag ng R.A 9165.