Consul General ng Indonesia, nagkaroon ng exit call sa AFP WestMinCom

Consul General ng Indonesia, nagkaroon ng exit call sa AFP WestMinCom

NAGKAROON ng exit call si Indonesian Consul General Dicky Fabrian kay AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) Chief Lieutenant General Alfredo Rosario, Jr. sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City.

Sa kanilang dayalogo, nagpasalamat si Fabrian sa WestMinCom sa lahat ng tulong lalo na sa kasagsagan ng mga insidente ng kidnapping sa tri-borders, kung saan matagumpay na nailigtas ang lahat ng Indonesian kidnap victims.

Sinabi naman ni Rosario na patuloy na susuportahan ng militar ang pwersa ng Indonesia sa kanilang mga pangangailangan.

Pinasalamatan din ng heneral si Fabrian sa kooperasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa gobyerno ng Pilipinas.

Gayundin sa pagbisita nito sa huling pagkakataon sa WestMinCom bago tuluyang bumalik sa kanilang bansa.

Si Fabrian ay nagsilbing Consul General ng Indonesia sa Davao City mula noong 2019.

Follow SMNI NEWS in Twitter