Consular offices ng DFA sa Davao City, Tagum at Puerto Princesa pansamantalang isususpinde ngayong Marso

Consular offices ng DFA sa Davao City, Tagum at Puerto Princesa pansamantalang isususpinde ngayong Marso

INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pansamantalang isususpinde ang operasyon ng consular office nito at Temporary Off-site Passport Service (TOPS) sa SM Lanang Davao ngayong Marso 1.

Alinsunod ito sa Presidential Proclamation No. 467 noong Pebrero 16, 2024, na ideneklarang special o non-working day sa Davao bilang paggunita sa 87th Araw ng Dabaw.

Suspendido rin sa Marso 4 ang CO operation ng DFA sa Puerto Princesa, Palawan base sa R.A. 7684, Marso 4, taon-taon ang Special Non-Working Holiday sa Puerto Princesa.

Temporary closed din sa Marso 7 ang operasyon ng DFA sa Tagum bilang pagdiriwang sa 26th Araw ng Tagum alinsunod sa Presidential Proclamation No. 472 series of 2024.

Samantala, ngayong araw Pebrero 27, pansamantalang itinigil ang operasyon ng DFA sa General Santos City dahil sa 85th Founding Anniversary at 35th Kalilangan Festival.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble